Lunes, Agosto 24, 2020

Pagkaing Pinoy

 Hello guys,


Kumusta.  Agosto na at Buwan na ng wika....  kaya sa panahong ito, uso na naman ang kainan, lalo na ng mga kakaning Pinoy.   Kaya, tara na't i-post ang inyong naibigang kakaning Pinoy at sabay-sabay nating alamin ang pinagmulan nito at kung paano ito makatutulong sa buhay ng nga Pinoy sa bansa.


Huwebes, Setyembre 25, 2014

Sang-ayon ka ba o Hindi?

BALAGTASAN:  

LAKANDIWA:

Isang mapagpalang araw ang malugod na handog ko
Sa lahat ng Pilipinong nagkalat sa buong mundo
Mayrong isang email message na natanggap ang lingkod nyo
Apurahang naghahanap ng sagot sa tanong na 'to:

DAPAT BA O HINDI DAPAT PAGSABAYIN ANG DALAWA:
ANG MAG-ARAL AT MANLIGAW? Dapat o Hindi Dapat ba?
Sa nais na makisali, ang tanghalan ay bukas na
Ipahayag ang katwiran nang marinig ng balana.


Mula sa http://ofw-bagongbayani.com/b-aral_ligaw.html
Magtala ng inyong pananaw sa panig na nais ninyo - DAPAT o HINDI DAPAT.

Mangatwiran na! :)

Lunes, Setyembre 8, 2014

KABATAAN, ANONG LANDAS ANG TINATAHAK MO?

Panoorin ang video sa link na nasa ibaba at magbigay  ng komento tungkol sa tanong/ mga tanong na kasunod nito.

Bakit kaya nagkaganito na ang mga kabataan ngayon?  Sino kaya ang dapat na managot sa naging kalagayan ng mga bagong sibol na kabataan na dapat sana'y magiging sandigan ng bayang ito sa hinaharap?

http://www.gmanetwork.com/news/video/217018/24oras/ilang-batang-galing-sa-magkalabang-grupo-nagbatuhan-sa-tulay-sa-maynila

Huwebes, Setyembre 19, 2013

Kaguluhan sa Mindanao

Dahil sa di pagkakaunawaan sa pagitan ng pamahalaan at ng MNLF,  ang huli ay nagpasimuno ng digmaan sa Mindanao, lalo na sa Zamboanga.  Kaugnay nito, naniniwala ka bang  digmaan nga ang solusyon sa problemang kinaharap ng MNLF upang pakinggan sila ng pamahalaan?

Huwebes, Agosto 8, 2013