Huwebes, Setyembre 25, 2014

Sang-ayon ka ba o Hindi?

BALAGTASAN:  

LAKANDIWA:

Isang mapagpalang araw ang malugod na handog ko
Sa lahat ng Pilipinong nagkalat sa buong mundo
Mayrong isang email message na natanggap ang lingkod nyo
Apurahang naghahanap ng sagot sa tanong na 'to:

DAPAT BA O HINDI DAPAT PAGSABAYIN ANG DALAWA:
ANG MAG-ARAL AT MANLIGAW? Dapat o Hindi Dapat ba?
Sa nais na makisali, ang tanghalan ay bukas na
Ipahayag ang katwiran nang marinig ng balana.


Mula sa http://ofw-bagongbayani.com/b-aral_ligaw.html
Magtala ng inyong pananaw sa panig na nais ninyo - DAPAT o HINDI DAPAT.

Mangatwiran na! :)

1 komento:

Unknown ayon kay ...

Hindi dapat pagsabayin ang dalawa: pag-aaral at manligaw dahil hindi ka makakapag-ayos sa iyong pag-aaral dahil malamang, uunahin mo ang iyong sariling kagustuhan na magkaroon ng buhay pag-ibig at higit sa lahat kung ikaw ay nasa lebel ng pag-aaral, ikaw pa ay nasa mababang gulang at hindi mo pa gaanong alam ang mga bagay tungkol sa pag-ibig. Kailangang unahin ang pag-aaral dahil ito ang solusyon sa pangunahing problema ngayon dito sa ating bansa, ang kahirapan. Kung ikaw ay nakapagtapos, madali lang para sayo ang makahanap ng trabaho dahil ikaw ay may natapos. Ang pag-ibig naman ay makakapaghintay sa tamang oras at panahon kung ikaw ay handa na at may maganda ng buhay upang hindi ka mahirapan pag ikaw ay maging isang magulang sa iyong mga anak.