Kaguluhan sa Mindanao
Dahil sa di pagkakaunawaan sa pagitan ng pamahalaan at ng MNLF, ang huli ay nagpasimuno ng digmaan sa Mindanao, lalo na sa Zamboanga. Kaugnay nito, naniniwala ka bang digmaan nga ang solusyon sa problemang kinaharap ng MNLF upang pakinggan sila ng pamahalaan?
6 (na) komento:
Para sa akin hindi na kailangang makipag digmaan ng mga MNLF upang mapakinggan sila ng pamahalaan, dahil maraming inosenteng mamamayan ang nadadamay at namamatay. Parami ng parami ang mga namamatay na mga tao habang tumatagal ang kaguluhan. Maaari naman silang mapakinggan ng ating pamahalaan ng tahimik at mas ligtas na paraan na hindi nakakasabagal at namemerwisyo sa mga tao. Dapat din ay intindihin nga mga MNLF na maraming suliranin ang sinusubukang resolbahin ng ating pamahalaan kaya minsan ay hindi sila napapakinggan. Ang digmaang nagaganap ngayon ay nagdulot ng pangit na imahe sa mga MNLF na nag nais lamang ay maiparating ang kanilang nais sabihin sa ating pamahalaan.
Para sa akin, dapat pakinggan ng bawat panig ang hinaing ng bawat isa para mapag-usapan nila ito. Hindi kailangan ng digmaan dahil mas pinapalaki pa ito ang kaguluhan doon sa Zamboanga. Kawawa naman ang mga taong nakatira doon.
Para sa akin, hindi dapat talaga digmaan and sagot para naman ay mapansin ng pamahalaan ang MNLF. Ngunit, dahil sa pamahalaan na hindi pinansin ang MNLF ng ilang taon, dapat na nga siguro ay ipalabas na nila ang kanilang galit. Ayon sa mga narinig ko, isa sa mga matataas na opisyal ang nagbayad sa mga MNLF na maghasik ng lagim upang ay malimutan na ng mga tao ang tungkol sa PDAF. Parang iyong ginawa ni Marcos sa mga rebelde, inutusan silang bomabahin ang plaza Miranda kapalit ang salapi.
Hindi ako sang-ayon na digmaan ang solusyon sa mga problema nila sa pamahalaan o gobyerno dahil nagpapalaki lang ito ng problema at sumisira lang ito sa kapwa nila kapatid. Dapat ang mga MNLF ay mag-usap ng maayos sa pamahalaan upang matugunan ang mga problema nito at para magkaayos ang dalawang panig kung ano ang gusto ng MNLF para tumahimik na pero gusto nila ang Mindanao kaya kailangan bigyan rin ng tugon ng ating gobyerno ang mga kasapi nito para matapos na ang mga hindi pagkasundo ng dalawang panig. Dapat rin makinig ang mga pamahalaan para hindi na ang mga MNLF magalit at mangoproblema sa mga sibilyan na walang kinalaman.
Bilang isang estudyante ng paaralang AdDU Haiskul ako ay nagsasaad na mali ang ginagawa ng mga MNLF upang matugunan ang kanilang pangangatwiran. Marami pong mga proseso sa paglalahad ng kanilang problema at ang mga nangangailangan nila. Dapat kasi ang pamahalaan natin ay nakinig sa kabilang panig upang walang mga kaguluhan sa Zambooanga. Ang dapat bigyan katwiran ng ating pamahalaan ang pagkatugon nila sa mga gusto at hindi gusto ng mga MNLF o kaya tinatawag ito na " Peace Talk " o pagkausap ng maginoo ng dalawang panig.
Ang karahasan o digmaan ay hindi solusyon upang matugunan ang mga kahilingan. Kung pag-uusapan lamang sana ang mga problema nang mahinanon ay mas madaling magkakaunawaan. Ang baril at bala na siyang ginawang tugon sa gobyerno dahil hindi nasunod ang mga kagustuhan ay nagdulot ng maraming kapighatian at kamatayan sa mga nadamay lamang sa gulo. Kung pinairal sana ang pagiging makabayan at pagmamahal sa kapwa ay hindi na sana dumanak ang dugo at nasira ang buong siyudad.
- Joshua Royce S. Lim, 8 - Berchmans
Mag-post ng isang Komento